4.08.2014

Mga Uri

Minsan, nagmumura tayo upang ipakita kung gaano ka-intense ang nararamdaman natin.

Halimbawa:

“G*go! I love you!” (Pero wala naman atang matinong tao ang magmumura kapag nagsabi ng endearments).

Ang iba ay nagmumura upang ipahayag kung gaano ka-exciting ang kanyang karanasan.

Halimbawa:

“P*ta pare, sinuntok ko ‘yung t*nginang g*go dun sa kanto. T*ngna p’re, sapul! T*ngna dugo ‘yung t*ngnang nguso nung t*ngnang g*gong ‘yun eh. G*go kase eh, t*ngna ang angas amp*ta!!”





Ngunit kadalasan, ginagamit natin ang mga murang ito upang iparating ang isang maiksing pahiwatig ng galit o inis natin. Ang karaniwang ginagamit nating mga salita para rito ay maiiksi lamang upang mabilis na mabigkas at hindi masyadong makasakit ng damdamin. Isa na sa mga maiiksing salitang ito ang ‘fuck you’, o, para mabawasan pa ang intense ng salita, pakyu.

Madalas maririnig sa mga bata ang murang ito, na kung minsan pa nga ay nasasaliwan ng luha at sipon ang gumagaralgal na tinig bunga ng pag-iyak ng naaping mga batang ito. Minsan, sa sobrang intense ng kanilang nararamdamang galit ay nalilimutan na nila ang tamang gamit ng gramatika. Isaalang-alang natin ang susunod na halimbawa.

“Ang sama-sama mo! *ngawa* Di kita bati! Wala ng may bati sa’yo!*hikbi* Pakyu ka!!!”

Kung titingnang maigi, naisasalin sa ingles ang ‘pakyu’ bilang ‘fuck you’. Kung isasalin naman sa ingles ang ‘pakyu ka’, ito’y magiging ‘fuck you you’, hindi ba? Kung gayon, nagkakaroon ng tendency na sa sobrang intense ng nararamdaman ng isang nagmumura, paulit-ulit niyang ipinupukol ang insulto sa isang tao sa pamamagitan ng pag-uulit ng pantukoy sa taong iyon ng hindi inuulit ang paunang insulto o mura. Samakatuwid, sa halip na sabihing ‘pakyu pakyu’ upang ipakita ang labis na galit, ‘pakyu ka’ na lang ang binabanggit.

Kung ihahambing naman sa wika natin, ang intensity ng isang pang-uri ay makikita sa pag-uulit nito.

Halimbawa:

“Ang ganda-ganda mo!”

Dito, naipapakita ang intensity ng quality ng isang tao. Hindi ba’t mas may dating ang “ang ganda-ganda mo” kaysa “ang ganda mo” lang? Kung gayon, upang maipakita ang intensity ng ‘pakyu’, kailangang ulitin natin ang unang syllable nito. Ito ay magiging ‘pakpakyu’.

Ngunit walang gumagamit ng katagang ito. Ito ay sa kadahilanang nawawala ang essence ng mura at sa halip, nagiging katatawanan ito bunga ng tunog na kalakip nito sa tuwing binibigkas.
Wala tayong nais patunayan sa mga naunang pag-aanalisa. Ito ay bunga lamang ng isang utak na walang magawa. Ngunit dahil napag-usapan na rin ang pamamakyu, isisiwalat na rin dito ang tatlong uri nito.


Tatlong Uri ng Pakyu

1.       Pakyu
2.       Spray Pakyu
3.       Continental Pakyu

1.       Pakyu
Ito ang basic o batayang uri ng pamamakyu. Ito ay ginagamit upang ipukol ang insulto sa isang tao. Maaari itong ulit-ulitin upang maiparating sa isang tao kung gaano ka-intense ang galit mo sa kanya ng hindi gumagamit ng mga marahas na mga salita gaya ng *toot*, *tooot*, *tooooot*, at *tooooooot*.

2.       Spray Pakyu
Ito ay epektibo sa 3-5 katao. Maaari rin itong gamitin sa maliliit na pangkat ng tao o grupo, gaya ng samahan ng mga siga sa kanto, ng mga bully, o kahit ng kagalit nyong section. Hindi ito kasing-intense ng basic pakyu kung ikukumpara sa bawat indibidwal kung kaya’t mas mabuti pa ring gamitin ang basic kung isang tao lang naman ang paglalaanan. Ngunit dahil mas malaki ang sakop ng pakyung ito, maaari rin namang ulitin na lang din ito upang mapantayan ang antas ng pagka-intense ng basic pakyu.

3.       Continental Pakyu
Kung matatandaan, nakasali sa mga murang sosyal ang continental pakyu, ayon kay Kuya Jobert. Ito ay maaaring gamitin sa pangmaramihang pang-iinsulto. Mas madalas din itong tinatawag lamang na ‘continental’ upang mabawasan ang mura habang napapanatili nito ang intensity.



Paalala: Ang mga uring nabanggit ay maaaring mabago batay sa mga susunod pang mga pag-aaral.












Ang ‘continental pakyu’ ay kinuha sa ibang sanggunian (Kuya Jobert, YouTube) at hindi umaangkin ng kahit anong intelektwal na pag-aari na may copyright. Credits go to the rightful owners.

Lahat naman yata ng mga bagay eh dapat bigyan ng dahilan - kung bakit sila nabuo, bakit ginawa, bakit bigla na lang susulpot na parang kabute. Kaya bakit nga kaya dulo pa ng dila? Bakit di na lang dulo ng mundo, dulo ng kaduluduluhan, dulo ng walang hanggan? Bakit?